^

Metro

Krimen bumaba ng 72%, mula Hulyo hanggang Setyembre. - DILG

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Krimen bumaba ng 72%, mula Hulyo hanggang Setyembre. - DILG
Quezon City Police District (QCPD) Drugs Enforcement Unit seized illegal drugs worth of P173.4 million during a buy-bust operation along Roosevelt Avenue in Quezon City on August 24, 2022.
STAR / Michael Varcas

MANILA, Philippines — Ipinagmalaki kahapon ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin ‘Benhur’ Abalos Jr. na bumaba ng 72% ang bilang ng mga krimeng naitala mula Hulyo 1 hanggang Setyembre 30, kumpara sa mga naitala sa kahalintulad na petsa noong taong 2016.

Sa pahayag na binasa ni DILG Public Affairs and Communication Service director Marlo Guanzon sa isang pulong balitaan, tiniyak din ni Abalos na patuloy silang gumagawa ng mga pamamaraan upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa bansa.

“Patuloy rin ang ating pagpursigi upang mapanatili ang peace and order sa ating bansa kaya nakakuha tayo ng 72.33% overall decrease in the number of crimes such as murder, rape, robbery and carnapping committed from July 1 to September 30,” ayon kay Abalos.

Samantala, sinabi rin ng kalihim na ipagpapatuloy ng DILG ang laban sa ilegal na droga ng pamahalaan.

“Under the leadership of President Ferdinand Marcos, Jr., we will continue the war against drugs with the same intensity as before and it will be implemented ‘on the basis of his oath as a public official in accordance with the Constitution,” ani Abalos.

Idinagdag pa ng kalihim na ang naturang bisyon ay gagawin nilang reyalidad, sa pamamagitan ng kanilang kalulunsad na kampanyang ‘Buhay Ingatan, Droga’y Ayawan (BIDA).

Mayroon na umanong 25,000 ­indibiduwal na nagpahayag ng kanilang suporta sa BIDA, sa isinagawang grand launch nito sa Quezon City kamakailan.

CRIME

DILG

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with