^

Metro

Chinese, 2 Pinoy timbog sa ‘karnap’

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Chinese, 2 Pinoy timbog sa âkarnapâ
Kinilala ang mga nadakip na sina Wen Zhang, 35; Bernard Guevarra, 47; at Billy Macanan, 45 na naaresto dakong alas- 10:30 ng gabi sa Eddie Boy Compound, Brgy. San Isidro, Parañaque.
STAR/File

MANILA, Philippines — Isang Chinese National at dalawang katropang Pinoy ang ­inaresto ng mga tauhan ng Pa­rañaque City Police Station, kaugnay sa paggamit ng mga pekeng dokumento upang mailabas ang mga na-impound na sasakyan mula sa isang towing services, sa isinagawang follow-up operation, sa Parañaque City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang mga nadakip na sina Wen Zhang, 35; Bernard Guevarra, 47; at Billy Macanan, 45 na naaresto dakong alas- 10:30 ng gabi sa Eddie Boy Compound, Brgy. San Isidro, Parañaque.

Sa ulat, idinulog ng biktimang si Jerry Dela Peña, 55, negosyante, na ang mga suspek ay gumamit ng pekeng dokumento para mai-release ang isang Mitsubishi Pajero.

Isinagawa ang follow-up operation nang kumpirmahin din ng biktima na dalawang sasakyan mula sa NJP Towing Services na na-impound dahil sa traffic violations noong Enero 2022 ang ginamitan din ng mga pekeng release order na pinalabas na inisyu ng Parañaque Traffic Bureau na may petsang Nobyembre 4 at 16, 2022

Narekober sa mga suspect ang isang gray 2018 Mitsubishi Montero at isang 2011 Lexus sedan.

Nakapiit na sa Pa­rañaque City Police Detention Facility ang mga suspek na sumasailalim pa sa imbestigasyon.

CHINESE

KARNAP

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with