^

Metro

Land titles ipinagkaloob ng NHA sa 65 benepisyaryo sa Quezon City

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Umaabot sa 65 benepisyaryo mula sa Quezon City ang napagkalooban ng titulo ng lupa sa Brgy. Holy Spirit sa lungsod.

Ayon kay NHA Ge­neral Manager Joeben Tai, ang mga benepisyaryo ng land titles  ay mga miyembro ng ibat ibang  homeowners’ associations sa National Go­vernment Center Hou­sing and Development Project (NGCHDP) na isang programa ng  NHA alinsunod sa Republic Act No. 9207 na nagbibigay kapangyarihan na mapangasiwaan ang go­vernment-owned idle lands para gawing hou­sing project.

Ang naturang proyekto ay naipatupad sa ilalim ng People’s Housing Alternative for Social Empowerment Land Acquisition Development Program (PHASE-LADP) na programa ng pamahalaan para sa urban poor.

Sa ilalim ng programa, ang qualified be­neficiaries ay pagkakalooban ng may 36 hanggang 54 square meters ng government-owned lots. Oras na matapos ang pagbabayad, ang titulo ng lupa ay ililipat na sa pangalan ng mga awardees.

Ang awarding ceremony ay nagsisilbing inspirasyon sa ibang benepisyaryo na maipagpatuloy ang pagbabayad sa kanilang bahay o lot units na nai-award sa kanila at magkaroon ng pagkakataon na magkaroon ng sariling tahanan.

NHA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with