^

Metro

2 ‘tirador’ ng cellphone huli sa tracking app

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
2 �tirador� ng cellphone huli sa tracking app
Kinilala ang mga suspek na sina Jaylord Lucero y Apelo, 22, na ipinagharap ng reklamong Theft o paglabag sa Revised Penal Code 308; at Bernard Picar, 23,  parking boy sa paglabag naman sa Republic Act  10591 illegal possession of firearms and ammunition) nang masamsaman ng baril.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Dalawang lalaki ang ­inaresto ng Makati Police nang matunton sa kanila ang mamahaling celphone na dinukot sa backpack ng isang babae  sa Makati City, ka­makalawa ng hapon.

Kinilala ang mga suspek na sina Jaylord Lucero y Apelo, 22, na ipinagharap ng reklamong Theft o paglabag sa Revised Penal Code 308; at Bernard Picar, 23,  parking boy sa paglabag naman sa Republic Act  10591 illegal possession of firearms and ammunition) nang masamsaman ng baril.

Sa ulat ng  Palanan Police Sub-station ng Makati City Police Station, dakong ala-1 ng hapon kamakalawa nang maaresto ang dalawang suspek sa Bagtikan St., cor. Guiho St., Makati City.

Sa reklamo ng biktimang si Loren Ann Sagun, 32 , nawala ang kaniyang iPhone 12 Pro Max na nagkakahalaga ng P80,000.00 na nakalagay sa kaniyang backpack habang naglalakad kasama ang ilang ka-tropa.

Ayon sa ulat, idinulog ng biktima ang pagkawala ng kaniyang cellphone at nang gamitin ang kaniyang “Find my iPhone” app ay natunton ito na nasa Zapote St., Makati City.

Mabilis na tinungo ng mga tauhan ng Palanan Police Substation at mga tauhan ng SWAT  at natunton na nasa Bagtikan St . ang cellphone.

Nabawi ang celphone na dinatnang hawak pa ni Lucero at sa kasabwat umanong si Picar ay nakuhanan naman ng isang Improvised Magnum .22 revolver na kargado ng isang bala.

vuukle comment

MAKATI POLICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with