^

Metro

Ex-Batangas Vice Governor, natagpuang patay sa kanyang bahay sa Pasig

Mer Layson, Joy Cantos, Arnell Ozaeta - Pilipino Star Ngayon
Ex-Batangas Vice Governor, natagpuang patay sa kanyang bahay sa Pasig
Batay sa nakalap na ulat, dakong alas-6:00 ng gabi nang madiskubreng patay si Recto, 59, sa loob ng master’s bedroom ng kanyang tahanan na matatagpuan sa Valle Verde 6, Brgy. Ugong, Pasig City.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Natagpuang patay na may tama ng bala sa katawan ang dating bise gobernador ng Batangas na si Richard “Ricky” Recto  sa loob ng kanyang tahanan sa Pasig City, kamakalawa ng gabi.

Batay sa nakalap na ulat, dakong alas-6:00 ng gabi nang madiskubreng patay si Recto, 59, sa loob ng master’s bedroom ng kanyang tahanan na matatagpuan sa Valle Verde 6, Brgy. Ugong, Pasig City.

Nauna rito, nakatanggap ng tawag ang sub-station ng Pasig City Police mula sa anak ng biktima at hiniling na alamin ang lagay ng ama matapos na hindi nila makontak.

Kaagad namang nagpunta ang mga personnel ng sub station, kasama ang mga tauhan ng Barangay Security Force at security personnel ng Valle Verde 6, sa tahanan ni Recto.

Nang walang sumasagot sa kanilang mga tawag,  puwersahan na nilang binuksan ang pinto at dito na umalingasaw ang masangsang na amoy mula sa master’s bedroom.

Nang tunguhin ang silid, bumulaga sa kanila ang bangkay ni Recto na nakaupo sa lazy boy chair, may unan sa dibdib at may hawak umanong baril sa kanang kamay.

Sa isang maikling pahayag, hiningi naman  ni 6th District Batangas Rep. Ralph Recto  ang pang-unawa ng publiko sa kanilang pamilya  na bigyan muna sila ng panahon nang pribadong maipagluksa ang pagkamatay ng dating bise gobernador.

RECTO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with