^

Metro

Heightened alert itinaas ng Coast Guard

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inilagay sa heightened alert status ang buong Philippine Coast Guard (PCG) upang magpatupad ng mahigpit na pagbabantay sa lahat ng mga pier, mga baybayin at bahagi ng karagatan ngayong palapit na ang Kapaskuhan.

Ayon kay PCG Commandant Admiral Artemio Abu, abala na ang mga kababayan natin sa pagbiyahe sa pamamagitan ng sea transportation system  kaya naman nasa 25,000 personnel ang kanilang idedeploy sa buong bansa ngayong Christmas season.

“Ang ating mga tauhan ng coast guard nationwide will put them on alert status--heightened alert and will be reminding ship owners to ensure the sea worthiness of their vessels.”

Pinayuhan din ni Admiral Abu ang ating mga kababayan na planuhing mabuti ang kanilang pagbiyahe para maging safe,convinient at secure  ang pagbiyahe nila.

Pinaalalahanan din ni Admiral Abu ang mga may-ari ng barko na siguraduhing nasa maayos na kondisyon ang lahat ng kanilang mga sasakyang pandagat bago bumiyahe para sa kaligtasan ng mga pasahero at tripulante.

Bukod sa mga pantalan at karagatan, nakabantay rin ang PCG maging sa mga paliparan at sa EDSA bus carousel.

Sa ulat naman na muling hina-harass ng mga barko ng China ang mga mangingisdang Pinoy sa Bajo de Masinloc, sinabi ni Abu na kanilang beberipikahin ito at titiyakin na maaa­ring mangisda ang mga Pilipino sa karagatang sakop ng bansa.

PCG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with