^

Metro

P250K pekeng sigarilyo na nabili sa Facebook marketplace, nasamsam

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
P250K pekeng sigarilyo na nabili sa Facebook marketplace, nasamsam
Ang nasabat ng mga tauhan ng Manila Police District-Sta. Ana police station 6 na mga pekeng sigarilyo na nagkakahalaga ng nasa P250,000 sa isinagawang operasyon sa San Andres Bukid sa Manila.
Miguel De Guzman

MANILA, Philippines — Nagbabala ang Manila Police District (MPD) sa pakikipagtransaksyon sa Facebook marketplace ukol sa mga pekeng produkto makaraang masabat ang humigi’t kumulang na P250,000 na pekeng siga­rilyo sa isang pagsalakay sa Maynila, nitong Linggo ng hapon.

Tatlong suspek ang naaresto na nakilalang sina Jewrome Pagobo, 31; Elma Facunda, 45; at Cesar Piasto Jr., 36, pawang nakatira sa San Andres Bukid, Maynila.

Sa ulat ng MPD-Sta. Ana Police Station 4, nabatid na unang nakipagtransaksyon ang biktimang si Xyrus Edgar Villanueva, 41, ng San Fernando, La Union City, sa mga suspek sa pamamagitan ng Facebook marketplace upang makabili ng tatlong kahon (110 reams) ng sigarilyo.

Nagkasundo sila sa halagang P93,500 at nagkita sa Maynila.  Nang maibigay ang tatlong kahon, dali-dali umanong umalis ang mga suspek kaya nang buksan ito ng biktima ay nadiskubreng kalahati lang ng kanilang pinag-usapan ang naibigay sa kaniya.

Dito nagsuplong sa Sta. Ana Police station ang biktima at nagsampa ng kasong Estafa. Nagkasa naman ang mga pulis sa pangunguna ni PMaj Jake Arcilla ng operasyon na nagresulta sa pagkakadakip sa tatlong suspek at pagkakarekober ng iba pang mga sigarilyo na nagkakahalaga ng P150,000.

Ngunit nang isailalim sa masusing inspeksyon, nakita na malayo ang hitsura ng label ng mga produkto kaya hinihinala na pawang mga peke ang mga produktong naibenta.

Nakaditine ngayon sa Sta. Ana Police Station detention center ang mga suspek na nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Article 315 ng Revised Penal Code (Estafa) sa Manila City Prosecutor’s Office.

CIGARETTE

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with