^

Metro

Chinese, 2 Pinay huli sa human trafficking

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Arestado sa magkahiwalay na entrapment operations ang isang Chinese national at dalawang umano’y babaeng ‘bugaw’ ng mga menor-de- edad na sex workers  sa Pasay at Makati City, ka­makalawa.

Ayon kay Pasay City Police Station chief, P/Colonel Byron Tabernilla, naaresto ang suspek na si Li Qi, 30, Chinese national ng Pasay City.

Dakong alas-7:30 ng umaga nang isagawa ang entrapment operation sa condominium na tinitirhan nito, matapos ang paghingi ng saklolo ng kamag-anak ng 16-anyos na biktima sa Cybercrime Investigation and Coordinating Center at Pasay Police Intelligence Section.

Sapilitan umanong ipinagagamit sa pakikipagtalik ang 16-anyos na biktima matapos i-recruit ng isang alyas Philip.

Bukod pa sa 16-anyos, dalawa pang biktimang kapwa menor-de-edad ang nasagip din sa nasabing operasyon.

Ayon sa imbestigasyon, ang grupo ng suspek ang gumagawa ng mga video kung saan kinukunan ang aktuwal na pakikipagtalik sa kapartner. Ibinebenta umano ang sex video sa pamamagitan ng social media platforms

Umuupa raw ng condominium unit ang mga suspek para sa kanilang operasyon.

Samantala, sa Makati City, dalawang Pinay ang inaresto kaugnay pa rin sa paglabag sa Republic Act   10364 (Expanded Trafficking in Persons Act of 2012), sa isa pang entrapment operation  dakong alas-1:30 ng madaling araw ng Linggo sa No. 1228 Cardona St. Brgy. Poblacion, Makati City.

Nakilala ang mga nadakip na sinaJanelle Dela Cruz, 28; at Catherine Sagun, 20.

Sa isinagawang entrapment ng Distrioct Special Operations Unit (DSOU) at Makati City Police-Women and Children Protection Cen­ter, naisalba ang 3 menor-de- edad na babae at nakumpiska ang boodle money at genuine P1,000 bills na ginamit sa entrapment.

HUMAN TRAFFICKING

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with