^

Metro

Trike inararo ng SUV: 4 patay, 7 sugatan

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Trike inararo ng SUV: 4 patay, 7 sugatan
Sa ulat mula sa Philippine National Police sa Camp Crame, nakilala ang mga biktima na sina Donato Barsatan, driver ng Kolong Kolong at mga pasahero na sina Marinet Barsatan, Velvet Geron at Prince Barsatan na namatay habang ginagamot sa iba’t ibang ospital.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Apat katao ang kumpirmadong patay habang pito ang sugatan nang araruhin ng isang SUV ang tricycle at kolong kolong sa Gonzaga, Cagayan, kamakalawa ng gabi.

Sa ulat mula sa Philippine National Police sa Camp Crame, nakilala ang mga biktima na sina Donato Barsatan, driver ng Kolong Kolong at mga pasahero na sina Marinet Barsatan, Velvet Geron at Prince Barsatan na namatay habang ginagamot sa iba’t ibang ospital.

Sugatan naman ang pitong sakay ng tricycle na ginagamot ngayon sa ospital.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Gonzaga PNP, naganap  ang insidente dakong alas-10:30 ng gabi sa Brgy. Ipil, Gonzaga, Cagayan.

Napadaan sa one way  street  ang SUV na minamaneho ni Rodolfo Batin, 56, ng Quezon Town, Isabela.

Dahil mabilis ang takbo ng SUV, huminto ang tricycle na pasalubong  gayundin ang kolong kolong na nasa likod nito.

Subalit inararo ito ng SUV na naging dahilan upang tumilapon ang mga biktima.

Kusang sumuko si Batin sa pulisya at ngayon ay inihahanda ang kasong reckless imprudence resulting in multiple homicides at physical injuries.

vuukle comment

SUV

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with