^

Metro

2 suspek sa pagnanakaw ng kable, arestado sa Quezon City

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
2 suspek sa pagnanakaw ng kable, arestado sa Quezon City
Kinilala ni Quezon City Police District (QCPD) Director, P/Brig Gen. Nicolas Torre III ang mga naarestong suspek na sina Rosendo Fallorina, 54, at Christian Moreno, 25, kapwa residente ng Brgy. Chrysanthemum, San Pedro, Laguna.
Boy Santos/ File

MANILA, Philippines — Dalawang lalaking suspek sa pagnanakaw ng kable ng telepono sa Taytay, Rizal ang naaresto ng mga pulis sa Quezon City kamakalawa.

Kinilala ni Quezon City Police District (QCPD) Director, P/Brig Gen. Nicolas Torre III ang mga naarestong suspek na sina Rosendo Fallorina, 54, at Christian Moreno, 25, kapwa residente ng Brgy. Chrysanthemum, San Pedro, Laguna.

Sa ulat ni P/Lt. Col. Ritchie Claravall, station commander ng QCPD-Police Station 9, dakong alas-2:30 ng madaling araw nang makatanggap ng flash alarm ang istasyon mula sa isang telecommunication company hinggil sa naganap na pagnanakaw ng kable ng telepono sa E. Rodriguez Avenue, Taytay, Rizal.

Sakay umano ang mga suspek ng isang dark green na Centra motorcycle at Isuzu six wheel closed van.

Dahil dito, kaagad na inalerto ng Station Tactical Operations Center (STOC) ng PS9 ang lahat ng police units na magsagawa ng checkpoint at “Oplan Sita” hinggil sa posibleng pag-aresto sa mga suspek.

Dakong alas-3:10 ng madaling araw kahapon nang mamataan ang mga naturang sasakyan sa Katipunan ­Avenue, kanto ng Pansol Avenue at pinara ng mga operatiba.

Gayunman, nang lalapitan na sila ng mga otoridad ay bigla na lang silang humarurot papatakas. Dito nagkaroon ng maikling habulan hanggang sa masukol at maaresto ang mga suspek sa Petawealth Gasoline Station sa NIA Road corner Edsa, Brgy. East Triangle, Quezon City.

Narekober mula sa mga suspek ang mga FSF Underground Copper Cable na nagkakahalaga ng P590,460.00.

Ang mga suspek ay itinurn over na sa Taytay Municipal Police Station at sasampahan ng mga kasong paglabag sa Republic Act No. 10515 o Anti-Cable Television and Cable Internet Tapping Act of 2013.

Pinuri naman ni Torre ang kanyang mga tauhan dahil sa mabilis na pagkaaresto sa mga suspek.

vuukle comment

QCPD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with