^

Metro

3 suspek sa pagpatay sa 2 pulis, nalambat – PNP

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nadakip ng mga awtoridad ang tatlo suspek na responsable sa pagpatay sa dalawang pulis nitong Sabado ng madaling araw sa Mabalacat, Pampanga.

Kinilala ni Philippine National Police (PNP) chief Police General Rodolfo Azurin Jr. ang mga suspek na sina Jun Jun Espiritu Baluyut, Aris Espiritu, at isang babaeng nagngangalang Leslie Placente.

Ang mga suspek ay naaresto sa isinagawang  follow-up operation sa South Daang Bakal Road kahapon ng  madaling-araw matapos na inguso ng ilang saksi.

Inihahanda na ng Mabalacat City Police ang reklamong isasampa laban sa mga suspek na nakapiit ngayon sa Mabalacat PNP Custodial Facility.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, sakay ng isang motorsiklo sina Police Master Sergeant Sofronio Capitle at Police Staff Sergeant Dominador Gacusan Jr. nang pagbabarilin ng mga suspek na sakay din ng dalawang motorsiklo. Kapwa miyembro ng Station Drug Enforcement Unit ng Mabalacat City.

Nabatid na galing ang dalawang biktima sa isang anti-drug operation nang sundan at pagbabarilin sila ng mga salarin.

Ayon pa sa ilang pahayag ng testigo, nakatumba na ang motor at ang dalawang pulis dahil sa tama ng bala pero nilapitan pa raw sila ng mga suspek at saka pinagbabaril ng malapitan.

Samantala, inatasan na ni Azurin ang Regional Director ng PNP Region 3 na pangunahan ang pagsasagawa ng mas malalim pang imbestigasyon at hot pursuit operation laban naman sa dalawang suspek na hindi pa nahuhuli.

Nagpaabot na rin siya ng pakikiramay sa pamilya ng dalawang pulis na napatay. Tiniyak niya rin na maibibigay ng PNP ang lahat ng tulong at benepisyo na naaangkop para sa mga biktima.

vuukle comment

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with