^

Metro

Gusali sa Malabon gumuho: 3 sugatan

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tatlo katao ang sugatan matapos gumuho ang isang apat na palapag na gusali sa Malabon City kahapon ng umaga.

Kinilala ang mga nasugatan na sina Rob Tombocon, Francisco Catindoy at Ronalyn Tombocon.

Agad na tumugon ang Philippine Red Cross para sa medikal na atensyon ang mga biktima.

Si Ronalyn ang huling nailigtas mula sa gumuhong gusali.

Sa ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP), alas-7 ng umaga nang gumuho ang gusali sa Orchid Street sa Barangay Longos .

Sinabi ng mga biktima na naramdaman nila ang pagyanig ng lupa bago ang insidente.

Lumilitaw na ang lugar kung saan itinayo ang gusali ay dating sapa at natatakpan ng mga tambak na basura.

Pitong pamilya pang nakatira sa paligid ng gusali ang tinitingnang ilikas para sa kanilang kaligtasan.

Iniimbestigahan na ng Malabon LGU ang insidente.

vuukle comment

ROB TOMBOCON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with