^

Metro

2 MMDA traffic enforcer, 4 pa sugatan sa sagasa ng SUV driver

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
2 MMDA traffic enforcer, 4 pa sugatan sa sagasa ng SUV driver
Ayon sa  MMDA traffic enforcer na kinilala sa apel­yidong Dayrit, naka-stop ang dalawang motorsiklo sa intersection ng Quezon Avenue  nang araruhin ng SUV.
STAR / File

MANILA, Philippines — Dalawang traffic enforcer ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at apat na iba pa ang nasugatan nang sagasaan at saktan pa ng isang SUV driver sa may Quezon Avenue, sa  Quezon City kahapon ng umaga.

Ayon sa  MMDA traffic enforcer na kinilala sa apel­yidong Dayrit, naka-stop ang dalawang motorsiklo sa intersection ng Quezon Avenue  nang araruhin ng SUV.

Dito nasaktan din ang  mag-asawang sakay ng isang motor, at ang Joyride rider, gayundin ang kanyang angkas.

Sinasabing nahabol pa ng  mga MMDA traffic enforcer ang SUV driver  pero  nagalit ito saka  kinalmot at sinakal pa ang isa sa mga una.

Sinira rin umano  ng SUV driver ang uniporme ng MMDA traffic enforcer.

Tinangka namang awatin ng isa pang MMDA enforcer ang SUV driver, ngunit sinipa naman umano ito sa mukha.

Gayunman, nahuli rin ng mga awtoridad ang  SUV driver na hindi pa napangalanan.

MMDA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with