^

Metro

Roderick Paulate guilty sa graft, falsification of public documents

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Roderick Paulate guilty sa graft, falsification of public documents
Roderick Paulate
Roderick Paulate FB Page

MANILA, Philippines — Guilty!

Ito ang ibinabang hatol ng Sandiganbayan laban sa actor comedian at dating Quezon City Councilor Roderick Paulate kaugnay sa kasong graft at nine counts nang pa­memeke ng ­pa­m­publikong dokumento sa pagha-hire nito ng mga ghost employees sa panahon ng kaniyang termino noong 2010.

Si Paulate ay hinatulan ng 7th Division ng Sandiganbayan ng anim hanggang 8-taong pagkakabilanggo sa kasong graft at anim na buwan hanggang anim na taon sa bawat count ng falsification of public documents.

Kung pagsasama-samahin si Paulate ay maaring mabilanggo ng 10 taon hanggang anim na buwan at 62 taon sa lahat ng kaso nito.

Bukod kay Paulate nahatulan din sa kasong graft ang driver at liason officer nitong si Vicente Bajamund.

Magugunita na matapos magwagi sa halalan noong 2010 bilang Councilor sa ikalawang distrito ng Quezon City ay tinanggal sa puwesto si Paulate dahilan sa umano’y anomalya sa pag-hire ng mga ghost employees mula Hulyo hanggang Nobyembre ng nasabing taon.

Ang kaso laban kay Paulate ay inihain ng Office of the Ombudsman noong 2018 kung saan pinalsipika ng actor-politician ang Job Order/Contract of Service kabilang ang mga lagda ng mga pekeng kontraktor para maipalabas ang pondo ng pamahalaan lungsod sa suweldo ng mga ghost employees.

Samantalang, maliban sa hatol na pagka­kabilanggo ay inatasan din ng anti-graft court si Paulate na magbayad ng mula P10,000 sa bawat isang count ng falsification offense o kabuuang ­P90,000. Diskuwalipikado na rin itong tumakbo sa anumang posisyon sa gobyerno.

Nahatulan din ang driver ni Paulate na si Bajamunde sa kasong graft pero inabsuwelto ito sa falsification of public documents.

Sina Paulate at Bajamunde ay kapwa inatasang bayaran ang gob­yerno ng P1.109 mil­yon na may 6 % interes kada taon hanggang sa makabayad ang mga ito ng buo.

Matatandaan na noong 2018 ay naghain si Paulate ng piyansa sa mga nabanggit na reklamo.

RODERICK PAULATE

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with