^

Metro

470K sasakyan bumibiyahe sa EDSA kada araw – MMDA

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
470K sasakyan bumibiyahe sa EDSA kada araw â MMDA
Motorists experience heavy traffic along northbound and southbound lanes of EDSA on October 14, 2022.
STAR/Walter Bollozos

MANILA, Philippines — May average na 470,000 sasakyan na ang bumibiyahe ngayon sa EDSA kada araw at inaasahan pang tataas habang papalapit ang Pasko at Bagong Taon, ayon sa Metropolitan Manila Development Autho­rity (MMDA).

Sa kabila nito, sinabi ni MMDA Chairman Romando Artes na maayos pa rin umano ang trapiko sa EDSA na siyang pinakaabalang kalsada sa Metro Manila at ma­ging sa buong bansa.

“Sa ngayon po ‘yung latest count po ng ating mga vehicles ay nasa 470,000 na sa EDSA, which is beyond na po ng pre-pandemic level na 405,000,” ayon kay Artes.
“Pero mas mabilis pa rin naman po ‘yung daloy ng traffic dahil from 11 kilometers per hour, pre-pandemic, ngayon po ay nasa 16 kilometers per hour pa rin tayo,” dagdag pa nito.

Sa kabila nito, hindi pa rin maiiwasan na makaranas ng pagbubuhol ng trapiko ang mga motorista. Ginagawa umano nila ang lahat ng paraan ngayon para mapaluwag ang mga kalsada lalo na at parating na ang holiday rush.

Patuloy rin umano ang ugnayan nila sa Department of the Interior and Local Government (DILG) para matiyak na nakaka­lampag ang mga opisyal ng barangay na nakakasakop sa mga Mabuhay Lanes at mapanatili itong walang obstruksyon.

EDSA

MMDA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with