^

Metro

Positivity rate ng COVID-19 sa NCR, tumaas sa 11.9 percent

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Umakyat sa 11.9 percent ang COVID-19 positivity rate sa National Capital Region.

Ayon sa OCTA Research fellow Doctor Guido David, mula sa 9.4 percent na naitala noong Nobyembre 23, umakyat sa 11.9 percent ang positivity rate noong Nobyembre 30.

Sinabi pa ni David na ang pagtaas ng positi­vity rate ay kapareho ng pagtaas ng bilang nang tumama ang Omicron BA.5 variant sa bansa noong Hunyo at XBB variant noong Setyembre.

Base sa tala ng Department of Health (DOH), nasa 14 na kaso ng BQ.1 ang na-detect sa bansa.

Sa naturang bilang, 13 ang local cases mula sa Cordillera Administrative Region, Regions 1, 4A, 7, at National Capital Region (NCR), the DOH said.

Samantala, tumaas din ang reproduction number sa NCR.

Mula sa 1.11 na naitala noong Nobyembre 21, tumaas ito sa 1.32 noong Nobyembre 28.

Tumaas din ang ­average daily attack rate (ADAR) at pumalo na sa 2.85 per 100,000 population. Gayunman, nananatili naman ang hospital utilization sa NCR sa kabila ng pagtaas ng mga tinamaan ng COVID-19.

Base sa pinakahuling talaan ng DOH, nasa 1,238 na bagong kaso ng COVID-19 ang naitala sa buong bansa.

COVID-19

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with