Presyo ng LPG, tumaas
December 2, 2022 | 12:00am
MANILA, Philippines — Sa kabila ng pagbaba ng presyo ng gasolina at diesel sa merkado, tumaas naman ang presyo ng liquefied petroleum gas (LPG) at auto-LPG kahapon.
Sa ulat, tumaas ng P2.25 sa kada kilo ang presyo ng LPG ng Phoenix habang P2.27 ang itinaas sa kada kilo ng LPG ng Solane.
Aabutin naman sa P1.26 kada litro ang taas sa auto-LPG sa Petron, habang P1.25 sa Phoenix.
Sinasabing ang taas presyo ng LPG at auto-LPG ay dulot ng naging pagtaas ng international contract price ng LPG ngayong Disyembre
BrandSpace Articles
<
>
Philstar
x
- Latest
Latest
Recommended