^

Metro

BI, walang kaugnayan sa sindikato ng human trafficking

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nanindigan ang Bureau of Immigration (BI) na walang nakitang ugnayan sa kanilang mga tauhan sa sindikato ng human trafficking na ilegal na nagpapadala ng mga Pilipino sa Myanmar na kinalaunan ay pinagtatrabaho sa online illegal gambling.

“So far po, looking at the investigation po, sa Senado po and dito sa mga na-intercept natin, wala po tayong nakikitang link sa mga empleyado po natin,” ayon kay Immigration spokesperson Dana Sandoval.

Sinabi ni Sandoval na maging ang mga nasabat na biktima ay itinuturo ang ilang indibidwal na hindi naman tauhan ng BI.

“May mga picture po na lumabas at mga pangalan, at hindi po ito mga empleyado ng ahensya,” giit ni Sandoval.

Pinagagamit ng sindikato sa mga biktima ang pekeng airport access passes at pinagpapanggap sila na mga tauhan ng mga airport concessionaires upang makapasok sa mga boarding gates.  Gumamit din ang mga biktima ng pekeng immigration stamps sa kanilang pasaporte at boarding passes.

Kung matatagpuan naman umano na sangkot ang kanilang mga tauhan sa modus operandi na ito, agad silang sasampahan ng kasong admi­nistratibo at posibleng kasong kriminal.

Pero tiniyak ng BI, na isang malaking sindikato ang kumikilos dahil sa rami ng sangkot at alam ang lahat ng pasukan at labasan sa mga paliparan.

“But so far po, nakikita natin, it’s really a big issue,” ayon pa kay Sandoval. “So we’re really worried na malaki po itong sindikatong ito,” dagdag niya.

Una nang nanawagan si BI Commissioner Norman Tansingco sa Manila International Airport Authority (MIAA) na magsagawa ng imbestigasyon ukol sa sindikatong kumikilos sa mga paliparan at masakote ang mga ito.

HUMAN TRAFFICKING

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with