^

Metro

Initial screening inspection sa mga bagahe sa NAIA, inalis na

Butch Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ikinatuwa ng maraming pasahero ang unang araw ng pagtatanggal sa initial screening inspection sa departure area sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 1.

Sinimulan na kasi kahapon ang dry run sa pagtanggal ng initial screening para sa mga bagahe ng mga pasaherong palabas ng bansa.

Ito’y base sa napagkasunduan ng pamunuan ng Manila International Airport Authority (MIAA), local airlines at mga stakeholders nito sa isinagawang pagpupulong noong nakaraang linggo upang mapagaan ang pagbiyahe ng air passengers sa paliparan ngayong Christmas season.

Sa unang araw naman ng paglilipat ng ilang international flights ng Philippine Airlines mula sa NAIA terminal 2 papuntang terminal 1, 30% sa mga pasahero nito ang madaragdag sa NAIA terminal 1.

Samantala, nagdagdag ang MIAA ng mga tauhan tulad ng APD personnel mga K-9 dogs at PNP Aviation police upang magbantay sa bungad papasok sa NAIA T1 departure lobby.

Gayun din ang karagdagang tauhan ng PAL para ­mag-assist sa mga pasaherong paparating at paalis ng bansa.

Napag-alaman, may isang naiwan na x-ray inspection machine dahil ito ay para lamang sa mga empleyado ng MIAA na papasok sa departure Area.

Sa pahayag ng isang OFW na patungong Bahrain walang hussle sa pagpasok sa departure tulad na rin sa ibang bansa tuluy-tuloy ang pasok ng mga manlalakbay at maiwasan dito ang mahabang pila papasok sa departure.

NAIA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with