^

Metro

24/7 na libreng sakay sa EDSA Busway, arangkada na

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
24/7 na libreng sakay sa EDSA Busway, arangkada na
Commuters avail free rides as part of the “Libreng Sakay” program at the Monumento EDSA carousel bus station in Caloocan City on August 6, 2022.
STAR/Jesse Bustos

MANILA, Philippines — Aaarangkada na simula ngayong Huwebes ang 24/7 na ‘Libreng Sakay’ ng EDSA Busway, sa ilalim ng Service Contracting Program ng Department of Transportation (DOTr) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Ayon sa DOTr, aabot sa isang buwan o simula sa Disyembre 1 hanggang 31 ngayong taon, ay magiging magdamagan na ang operasyon ng ‘Libreng Sakay’ ng EDSA Busway, bilang Pamaskong Handog na rin ng DOTr at LTFRB sa publiko.

Base sa inilabas na Board Resolution no. 174 at no. 176 s. 2022, nasa 100 Public Utility Buses (PUBs) ang tatakbo sa EDSA Busway sa extended operational hours, mula 11:01 ng gabi  hanggang 3:59 ng madaling araw.

Nasa 650 PUBs naman ang bibiyahe mula 4:00 ng umaga hanggang 11:00 ng gabi o tinatayang nasa tatlong round trip o anim na single trip mula Monumento station hanggang Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX).

Nabatid na nagdesisyon ang DOTr na magpatupad ng 24/7 free ride sa EDSA Busway, kasunod na rin ng inaasahang pagdagsa ng mga pasaherong mamamasyal dahil sa extended mall hours ngayong Christmas season.

Matatandaang nagsimula na rin ang extended mall hours nitong Nobyembre 14 na tatagal hanggang ­Enero 6, 2023, mula 11:00 ng umaga hanggang alas-11 ng gabi.

DOTR

EDSA

LTFRB

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with