^

Metro

Dahil sa pambu-bully? Saksakan sa harap ng iskul: 1 patay, 2 sugatan

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang binata ang nasawi, habang sugatan ang kanyang kapatid at pinsan nang pagsasaksakin ng mga kapwa nila kabataan sa harap ng isang paaralan sa ­Quezon City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang nasawing biktima na si Samuel De Villa Aguila, 18, ng Brgy. Culiat, QC.

Sugatan naman ang kanyang kapatid na 16-anyos , at ang pinsan na si Jayven De Villa Mavatangay, 24.

Samantala, nasa kos­tudiya na ng pulisya ang apat na persons-of-interest na pawang mga menor-de-edad.  Hindi na pinangalanan ang mga ito para sa kanilang proteksiyon.

Base sa initial report ng pulisya, bago ang krimen ay kasama ng biktima ang kapatid at pinsan at isa pang kaanak habang nasa harap ng San Francisco High School sa Misamis Road corner EDSA, Brgy. Sto. Cristo, Bago Bantay, QC, mag-aalas-7 ng gabi.

Maya-maya ay duma­ting umano ang babaeng kaklase ng kapatid ng biktima kasama ang kanyang pinsang lalaki.

Itinuro umano ng babae sa kasama nito ang isa sa mga biktima at na umano’y nambu-bully sa kanya.

Dito na nagsimula ang kaguluhan na nauwi sa saksakan.

Naisugod pa sa ­Quezon City General Hospital ang biktima ngunit namatay din ang isa kanila habang nilalapatan pa ng lunas ang dalawa pa.

Kaugnay nito, humi­hingi naman ng hustisya ang pamilya ng mga biktima at sinabing mabait at malambing na bata ang namatay.

Nabatid na hindi pa naman matukoy ng mga awtoridad kung sino ang sumaksak sa mga biktima at hindi pa rin nabawi ang patalim na ginamit sa krimen.

BULLY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with