^

Metro

Kaso ng human trafficking, tumataas

Danilo Garcia, Butch Quejada - Pilipino Star Ngayon

Pekeng airport access pass gamit sa pagpapalusot

MANILA, Philippines — Naalarma ang Bureau of Immigration (BI) sa tumataas na kaso ng tangkang human trafficking kung saan ginagawang online scammer ang mga biktimang Pinoy.

Kasabay nito, hi­nirit ni BI Commissioner Norman Tansingco ang Manila International Airport Authorities (MIAA) na maimbestigahan ito, kung saan gumagamit ang ilang dawit sa modus ng mga pekeng airport access pass para mapalusot ang kanilang mga biktima.

Inatasan na ni Tansingco si BI Port ­Operations Division (POD) Chief Atty. Carlos Capulong para makipag-ugnayan sa MIAA ukol sa posibleng imbestigasyon.

Ito’y matapos ngang masabat ng airport security at pulis ang tatlong biktima nitong umpisa ng Nobyembre nang gumamit sila ng pekeng airport access passes, nagpanggap na mga empleyado ng airport concessionaires, upang makapasok sa mga boarding gates.

Ngunit nang inspeksyunin ng airport security, natuklasan na peke ang dala nilang passes. Gumamit din ang mga biktima ng pekeng immigration stamps sa kanilang pasaporte at boarding passes.

Matapos nito, isa pang biktima ang muling nasabat ng mga awtoridad ng paliparan gamit ang parehong modus dahilan para maalarma na ng husto si Tangsingco. Nabatid na ang biktimang babae ay nasabat nitong Nobyembre 16 at patungo sana ng Kuala Lumpur, Malaysia.

Sinabi ni Tansingco na hinihikayat ng sindikato ang mga kababayan na magtrabaho bilang call center agents ngunit ­ililipat ng ibang bansa at pagtatrabahuhin bilang mga online scammers.

Samantala, inatasan na ni MIAA General Manager Cesar Chiong ang masusing pagsisiyasat sa umano’y paggamit ng mga pekeng airport pass na tumutulong sa mga tangkang human trafficking ­operations sa Ninoy Aquino International Airport(NAIA).

Ikinalulungkot ni Chiong, ang ganitong mga gawain at nangakong ga­nap na suportahan ang mga inisyatiba ng iba’t ibang ahensya upang dalhin sa hustisya ang mga sangkot sa ganitong uri ng krimen.

Sa patuloy na tulong ng mga ahensyang nagpapatupad ng batas, ang MIAA ay patuloy na magpapalakas ng mga hakbang sa seguridad upang higit pang pangalagaan ang buhay at itaguyod ang dignidad ng ating mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na dumaraan sa NAIA.

vuukle comment

BUREAU OF IMMIGRATION

HUMAN TRAFFICKING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with