^

Metro

Drug Priority Target, 3 pa timbog

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Drug Priority Target, 3 pa timbog
Nakilala  ang suspek na si Arnel Olino, 55; at ang tatlo niyang kasabwat na sina  Dohn Exekheil, 21, kapwa residente ng Brgy. Alicia, Quezon City; Jeric Nepomuceno, 29, residente ng  Brgy. Toro, Quezon City; at RJ Caampued, 40, ng Brgy. Sto. Cristo, Quezon City.
Boy Santos, file

MANILA, Philippines — Nadakip ng mga awtoridad ang isang lalaking itinuturing na No. 4 Station Level Drug Priority Target, at tatlo niyang kasabwat, ng Quezon City Police District (QCPD) Project 6 Police Station (PS 15) sa isinagawang buy-bust operation sa lungsod, ka­makalawa ng gabi.

Nakilala  ang suspek na si Arnel Olino, 55; at ang tatlo niyang kasabwat na sina  Dohn Exekheil, 21, kapwa residente ng Brgy. Alicia, Quezon City; Jeric Nepomuceno, 29, residente ng  Brgy. Toro, Quezon City; at RJ Caampued, 40, ng Brgy. Sto. Cristo, Quezon City.

Ikinasa ang operasyon dakong alas-10:30 ng gabi, sa  Fort Santiago corner Davao City St., Brgy. Alicia, Quezon City. 

Nakumpiska mula sa suspek ang may tatlong gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P20,400.00; 0.50 gramo ng marijuana na nagkakahalaga ng P60.00, cellular phone at buy-bust money.

Ang mga suspek ay nakapiit na at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 sa piskalya.

DRUGS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with