^

Metro

6,000 pulis ikakalat sa Metro Manila ngayong Kapaskuhan

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
6,000 pulis ikakalat sa Metro Manila ngayong Kapaskuhan
This undated photo shows a squad of policemen.
Edd Gumban, file

MANILA, Philippines — Inihayag kahapon ng Philippine National Police (PNP) na nasa 6,000 tourist-oriented police ang ipakakalat sa upang matiyak ang seguridad ng publiko sa Metro Manila at mga matataong lugar na da­dayuhin ngayong Pasko at Bagong Taon.

“Iyong ating mahigit 6,000 na tourist-trained police ay asahan ninyo na this early ay nandiyan na po sila para maram­daman ng ­ating mga kababayan kasama ang kanilang mahal sa buhay na sila ay ligtas at makakapag-enjoy po ng kanilang bakasyon,” said PNP spokesperson Col. Jean Fajardo.

Ayon kay Fajardo, naglabas na ng memorandum ang PNP na hindi na maaaring mag-leave sa Disyembre 15 ang mga pulis upang matiyak na sapat ang deployment ng mga ito ngayong yuletide season.

Pinag-iingat din ng PNP ang publiko laban sa nagkalat na pekeng pera at pananamantala ng ilang indibiduwal ngayong Christmas shopping rush.

“Ang totoong pera ay medyo magaspang, naka-emboss ‘yung mga prints at… kapag itinaas natin against the light ay makikita natin ‘yung mga hidden security features ng pera,” ani Fajardo.

Anang opisyal, mas makabubuti kung agad itong isusurender sa mga bangko o magsampa ng reklamo laban sa tao o establisimyento na nagbayad ng pekeng pera.

Babala pa ni Fajardo, hindi na dapat pang ­ipambili ang mga pekeng pera dahil kaso at kulong ang katapat nito.

 

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with