^

Metro

Lolo nabagok habang lumilikas sa sunog sa Quezon City, patay!

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Lolo nabagok habang lumilikas sa sunog sa Quezon City, patay!
Kanya-kanyang karga ng kanilang mga kagamitan ang mga residente matapos sumiklab ang malaking sunog sa kanilang lugar sa Brgy. Masambong, Quezon City kahapon. Isang lolo ang naiulat na nasawi sa sunog na umabot sa ikatlong alarma.
Jesse Bustos

MANILA, Philippines — Isang lolo ang patay nang mabagok ang ulo habang lumilikas nang masunog ang ilang tahanan sa isang residential area sa Quezon City, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ang biktima na si Delfin Enerva, 67, ng Barangay Holy Spirit, Quezon City.

Batay sa inisyal na report ng Bureau of Fire Protection (BFP) ng ­Quezon City, dakong alas-4 ng madaling araw nang magsimulang sumiklab ang sunog sa ikalawang palapag ng tahanan ni Nestor Bactismo sa Saint Vincent St., Brgy. Holy Spirit.

Nabatid na malaki na ang apoy at hindi na niya naapula kaya’t iniligtas na lang ang mga anak.

Mabilis namang kumalat ang apoy sa mga katabing bahay kaya’t nagmamadaling nagsilikas ang mga kapitbahay, kabilang ang biktima.

Gayunman, habang lumilikas ay minalas na madulas ang biktima at mabagok ang ulo.

Naisugod pa siya sa pagamutan ngunit binawian din ng buhay.

Tinatayang nasa 20 pamilya ang nawalan ng tahanan sa sunog na tumupok sa may 10 tahanan.

Alas-5:50 ng madaling araw nang maideklarang under control ang sunog bago tuluyang naapula dakong alas-6:20 ng umaga.

Inaalam pa ng mga otoridad kung ano ang pinagmulan ng sunog at kung magkano ang ha­laga ng mga ari-arian na tinupok nito.

 

vuukle comment

FIRE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with