^

Metro

COVID-19 positivity rate sa NCR, tumaas

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
COVID-19 positivity rate sa NCR, tumaas
Some shoppers [keep their mask on/remove their mask] at a public market in Marikina City on Wednesday, Sept. 14, 2022 following President Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr's suspension of the mandatory policy on face masks in outdoor settings on September 12.
The STAR/Walter Bollozos

MANILA, Philippines — Patuloy ang pagtaas ng COVID-19 positivity rate sa National Capital Region (NCR) na umakyat na sa 11.1% sa loob ng nakalipas na pitong araw.

Ayon kay OCTA Research Group fellow Dr. Guido David, mula sa dating 7.5% lamang noong Nobyembre 19, tumaas sa 11.1% ang positivity rate sa rehiyon pagsapit nitong Nobyembre 26.

Ang positivity rate ay ang porsiyento ng mga taong nagpopositibo sa COVID-19 mula sa kabuuang bilang ng mga indibidwal na naisailalim sa COVID test.

Bukod sa NCR, nagsitaas na rin ang positivity rate sa iba pang lalawigan kabilang ang Batangas, Benguet, Bulacan, Cagayan, Ilocos Norte, Ilocos Sur, Kalinga, La Union, at Pangasinan.

Ang Isabela ang nakapagtala ng pinakamataas na positivity rate sa Luzon na nasa 44.4%.

Nasa 12 lugar naman sa Luzon ang nakitaan ng pagbaba ng positivity rates sa nasabing panahon.

Kabilang dito ang Albay, Bataan, Camarines Sur, Cavite, Isabela, Laguna, Nueva Ecija, Pampanga, Quezon, Rizal, Tarlac, at Zambales.

Ayon sa DOH, ang NCR ang nakapagtala ng mataas na kaso ng COVID-19 sa nagdaang dalawang linggo na may 3,874 kaso, sumunod ang Calabarzon na may 1,961 at Western Visayas na 1,293 kaso. — Angie dela Cruz

COVID-19

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with