^

Metro

Mister patay, dalagita sugatan sa pamamaril sa Quezon City

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang lalaki ang patay nang pagbabarilin ng ‘di kilalang suspek habang sugatan ang isang dalagita nang tamaan ng ligaw na bala sa Quezon City kamakalawa ng gabi.

Agad nasawi dahil sa mga tama ng bala sa katawan ang biktima na nakilalang si Orlando Cominguez, 49, ng Brgy. Bahay Toro, Project 8, QC habang ang sugatan ay si Janna Nicole Masinop Mallilin, 15, Grade 9 student, at residente rin ng naturang lugar.

Samantala, mabilis namang tumakas ang suspek na nakilalang si Richmond Mallari Dalisay alias “Richmond Roco”, 24, residente ng Ambuklao, Brgy. Baesa, QC.

Batay sa report ng Quezon City Police District (QCPD)-Project 6 Police Station 15 (PS-15), alas-9:15 ng gabi nang maganap ang krimen, ‘di kalayuan sa tahanan ng biktimang si Cominguez.

Ayon kay PStaff Sgt. Alvin Bolastig, naglalakad ang biktima pauwi nang madaanan ang suspek na nakaupo sa bangketa. Bigla umanong tumayo ang suspek at sinuntok ang biktima dahilan upang bumagsak ito sa semento.

Agad na tumayo ang biktima ngunit mabilis na bumunot ng baril ang suspek at sunud-sunod na malapitang pinaputukan si Cominguez. Minalas namang tamaan ng ligaw na bala si Mallilin na noon ay nakaupo sa bangko malapit sa pinangyarihan ng krimen.

 

DEAD

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with