^

Metro

Operasyon ng BI sa entertainment sites, itinanggi

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Itinanggi ng Bureau of Immigration (BI) ang umiikot na impormasyon na magkakasa sila ng operasyon sa mga entertainment places laban sa mga dayuhan na iligal na nagtatrabaho sa mga ito.

Sinabi ni BI Commissioner Norman Tansingco na nakarating sa kaniya ang umiikot na impormasyon sa mga group chats na susuyurin umano ng BI ang mga entertainment places para mahuli ang mga dayuhan na iligal na nananatili sa bansa.

Nilinaw ni Tansingco na peke ito at wala siyang inilalabas na ganitong kautusan.

Nakasaad sa “fake order” na inatasan umano ang mga immigration personnel na inspeksyunin ang mga entertainment places sa Maynila kabilang ang mga bars, KTVs, at music houses.

Kasama rin na lilibutin ang mga golf clubs, bow­ling alleys, internet cafes, amusement parks, casinos, hotels, guest houses, at restaurants, para ha­napin umano ang mga iligal na dayuhan.

“No such order has been issued by the BI,” saad ni Tansingco.

“Our operatives are not authorized to randomly inspect establishments, but instead are required to secure a mission order to conduct an arrest.  A mission order is only issued upon thorough investigation and confirmation that the subject foreign national has indeed violated immigration laws,” dagdag niya.

Naniniwala ang opis­yal na ang pekeng order ay gawa ng mga sindikato para takutin ang mga dayuhan na nasa bansa upang ma-scam sila.

Kung mangyayari ito, nanawagan si Tansingco na agad iulat ng isang dayuhan sa mga lokal na law enforcement agency upang agad na madakip at maparusahan ang mga scammer.

BUREAU OF IMMIGRATION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with