^

Metro

LPG, taas-presyo sa Disyembre; petrolyo patuloy ang rollback

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
LPG, taas-presyo sa Disyembre; petrolyo patuloy ang rollback
Ayon kay Department of Energy (DOE) Oil Industry Management Bureau director Atty. Rino Abad, ang mga buwan ng Nobyembre at Disyembre ay kalimitang nasa impact period ng LPG inventory build-up.
STAR / File

MANILA, Philippines — Posible umanong tumaas muli sa susunod na buwan ang presyo ng mga liquefied petroleum gas (LPG) products ngunit maaaring magpatuloy pa rin ang rollback o pagbaba ng fuel pump prices sa mga susunod na linggo.

Ayon kay Department of Energy (DOE) Oil Industry Management Bureau director Atty. Rino Abad, ang mga buwan ng Nobyembre at Disyembre ay kalimitang nasa impact period ng LPG inventory build-up.

Dahil dito, malaki talaga aniya ang tiyansa na magkaroon pa rin ng pagtaas sa presyo ng LPG.

“Malaki po talaga ang [chance]. Ayaw kong sabihin na 100%, wala pa akong hinahawakan na report, pero malaki ang tiyansa na magkakaroon pa rin tayo ng increase,” aniya, sa panayam sa radyo.

“Ang comfortable talaga ako na January, February, at March, ay medyo mag-e-ease out ‘yan kasi ‘yan po ay utilization period na,” dagdag pa niya.

Sa kabila naman nito, sinabi ni Abad na malaki ang posibilidad na ang presyo ng petrolyo  ay magpatuloy sa pagbaba sa susunod na dalawang linggo.

“Malaki po ang tiyansa na, again, tumuloy probably for another more week… Sa darating na linggo, talagang nakikita na tingin ko, may tiyansa pa rin na tumuloy ang mga rollback. ‘Yan po ay very clear sa nangyayari,” aniya pa. “Probably for the two weeks, medyo may tiyansa pa but on the long run, hindi tayo sigurado.”

Una nang napaulat na inaasahan ang presyo kada litro ng diesel ay maaaring bumaba ng P3.90 hanggang P4.20 kada litro ngayong linggong ito, habang ang presyo ng gasolina ay maaaring matapyasan ng P1.20 hanggang P1.50 kada litro.

DOE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with