^

Metro

Mayor Zamora, bagong presidente ng MMC

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Si San Juan City Mayor Francis Zamora ang nahalal bilang bagong pangulo ng Metro Manila Council (MMC) at napili rin bilang vice chairperson ng Regional Development Council (RDC), sa isinagawang joint meeting ng grupo sa lungsod, kamakalawa ng gabi.

Kaugnay nito, labis naman ang pasasalamat ni Zamora dahil sa tiwalang ipinagkaloob sa kanya ni Metro Manila Development Authority (MMDA) Chairman Romando Artes, gayundin sa lahat ng Metro Manila mayors.

“Unang-una sa lahat ako ay nagpapasalamat po sa bumubuo sa Metro Manila Council, kay MMDA Chairman Artes, sa lahat ng Metro Manila Mayors, maraming salamat sa tiwala sakin,” ayon kay Zamora.

Nabatid na kabilang sa mga council members na dumalo sa sesyon ay sina Pateros Mayor Mike Ponce III, Valenzuela City Mayor Wes Gatchalian, Mandaluyong City Mayor Benjamin Abalos Sr., Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano, Manila City Mayor Honey Lacuna, Malabon City Mayor Jeannie Ng-Sandoval, at Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) Secretary Jose “Jerry” Acuzar. Tiniyak ni Zamora na bagama’t hindi maiiwasan ang mga hindi pagkakasunduan dahil ang rehiyon ay may iba’t ibang lider, gagawin niya ang lahat ng kanyang makakaya upang sila ay magkaisa. Nangako rin si Zamora na kabilang sa mga isyu na reresolbahin nila ay ang problema sa trapiko sa metropolis at magiging pangunahing prayoridad nila ay ang kapayapaan at kaayusan sa rehiyon.

MMC

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with