^

Metro

5 babaeng Vietnamese, nasagip sa prostitusyon

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
5 babaeng Vietnamese, nasagip sa prostitusyon
Kinilala ni SPD Director P/Brig. General Kirby John Brion Kraft ang mga suspek na sina Diyong Huang, (lalaki) Chinese national, 37; at  Thi Ut Ha, (babae), Vietnamese national, 26.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Limang babaeng Vietnamese nationals ang nai­ligtas habang dalawa pang dayuhan ang dinakip sa entrapment operation ng District Special Operations Unit (DSOU) ng Southern Police District (SPD) kaugnay sa pambubugaw umano ng mga babae para sa panandaliang aliw, sa Parañaque City, kamakalawa ng madaling araw.

Kinilala ni SPD Director P/Brig. General Kirby John Brion Kraft ang mga suspek na sina Diyong Huang, (lalaki) Chinese national, 37; at  Thi Ut Ha, (babae), Vietnamese national, 26.

Sila ang itinuturong nasa likod sa prostitusyon ng mga biktima na kinilalang sina Bhu Thi My Linh, 29; Ngyuyen Thi Yen, 27; Tran Thi Yen, 27; Tran Thi Thuy Duong, 25 ; at Trieu Niu Coi, 31.

Sa ulat, dakong alas 2:30 ng madaling araw nitong Biyernes nang isa­gawa ang entrapment laban sa mga suspek sa Bayshore 1 Residence, sa Parañaque City.

Nag-ugat ang operasyon sa sumbong ng isang Romely Dipol Battung na ang mga babaeng banyaga ay ginagamit sa prostitusyon.

Narekober ang dalawang P1,000 bill, 51 piraso ng P1,000 boodle money na ginamit sa entrapment, itim na Toyota Fortuner (NBK1912) at isang Apple iPhone 14 Promax.

Inihahanda ang ihahaing reklamong paglabag sa Section 3(a) ng Revised Penal Code 10364 o Expanded Anti-Trafficking in Person Act.

SPD

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with