^

Metro

PNP magpopokus sa pagbili ng modernong armas, ‘di sa body camera

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
PNP magpopokus sa pagbili ng modernong armas, âdi sa body camera
Ito ang inihayag ni PNP Chief P/Gen. Rodolfo Azurin Jr., na sinabing ikatlo lamang sa prayoridad ng PNP ang mga Body Worn Cameras (BWCs).
STAR/ File

MANILA, Philippines — Upang higit pang mapa­lakas ang kampanya laban sa kriminalidad, droga at terorismo, magpopokus ang Philippine National Police (PNP) sa pagbili ng mga mobility equipment at mo­dernong mga armas.

Ito ang inihayag ni PNP Chief P/Gen. Rodolfo Azurin Jr., na sinabing ikatlo lamang sa prayoridad ng PNP ang mga Body Worn Cameras (BWCs).

“Our current priorities are for the move ad shoot capability of all police units across the country, the first priority is of course mobility and second is the firearms,” ayon kay Azurin.

Binigyang diin ni Azurin na kinakailangan ang mga mobility equipment at karagdagang mga makabagong armas para sa misyon ng PNP na mapanatili ang peace and order sa bansa.

Una rito, nitong Huwebes ay pinangunahan ni Azurin ang turnover ng tinatayang P761.2 milyong halaga ng mga behikulo, information technology at force protection equipment na binili ng PNP sa pamamagitan ng supplemental budget bilang bahagi ng modernisasyon ng kapulisan.

Kabilang sa mga binili ay 130 personnel carriers, 41 units ng advance life support ambulance, 1,464 all-purpose vests, 212 units ng 5.56 MM light machine gun at 8 001 units ng 9MM striker–fired pistol.

Matatandaan na ang pa­nawagan hinggil sa pagbili ng mga body-worn cameras ng PNP ay matapos ang akusasyon ng mga paglabag sa karapatang pantao ng kapulisan sa giyera kontra droga sa nakalipas na administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

PNP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with