^

Metro

No. 5 drug priority target, nadakip ng QCPD sa buy-bust

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Naaresto ng Quezon City Police District (QCPD) ang isang lalaking itinuturing na No. 5 Drug Personality at nakumpiskahan ng mahigit sa P108,000 halaga ng hinihinalang shabu sa isang buy-bust operation, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ni QCPD Director PBGen. Nicolas Torre III ang naarestong suspek na si Edwin Escalante, 40, residente ng Brgy. 485, Zone 48, Sampaloc, Manila.

Ayon kay Torre, dakong alas-5:50 ng madaling araw nang maaresto ng mga tauhan ng District Drug Enforcement Unit (DDEU) sa ilalim ng pamumuno ni PMAJ Hector Ortencio, ang suspek sa tapat ng basketball court, sa Area 6, Brgy. Botocan, Quezon City.

Nauna rito, nakatanggap umano ng tip ang mga otoridad hinggil sa ilegal na aktibidad ng suspek kaya’t nagkasa ng buy-bust ope­ration.

Isang pulis ang umakto bilang buyer at nang maka­bili ng P24,000 halaga ng hinihinalang shabu mula sa suspek ay kaagad na itong inaresto.

Nakumpiska mula sa suspek ang tinatayang aabot sa 16 gramo ng hinihinalang shabu na may street value na P108,800, cellular phone at buy-bust money.

Ang suspek ay nakapiit na at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

QCPD

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with