^

Metro

Jackpot prize ng UltraLotto, papalo sa higit P288 milyong ngayong Sunday draw

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inaasahan ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na tataas pa at papalo na sa mahigit P288 milyon ang jackpot prize ng UltraLotto 6/58 ngayong Sunday draw, Nobyembre 27.

Sa abiso ng PCSO, wala pa ring nakahula sa six-digit winning combination na 05-39-40-31-29-46 ng UltraLotto 6/58 na binola nitong Biyernes ng gabi, Nobyembre 25, kaya’t hindi pa rin naiuwi, at sa halip ay madaragdagan pa ang jackpot prize nito na nasa P281,543,624.

Samantala, inaasahang aabot na sa higit P65 milyon ang jackpot prize ng SuperLotto 6/49 na bobolahin din ngayong Linggo ng gabi, habang P41 milyon naman ang premyong maaaring mapanalunan sa MegaLotto 6/45 na bobolahin naman sa Lunes ng gabi, Nobyembre 28, matapos na hindi rin mapagwagian noong mga nakaraang lotto draw.

Kaugnay nito, hinikayat ni PCSO Vice Chairperson at General Manager Melquiades ‘Mel’ Robles ang publiko na magtungo na sa pinakamalapit na lotto outlet sa kanilang lugar at tumaya ng lotto upang magkaroon ng tiyansang maging susunod na milyonaryo.

Una nang sinabi ni Robles na walang talo sa pagtaya sa lotto dahil hindi man aniya palaring manalo ay tiyak namang makakatulong ka sa kawanggawa.

PCSO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with