^

Metro

Pulis na pumatay sa 2 tinedyer, ililipat sa Bilibid

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Pulis na pumatay sa 2 tinedyer, ililipat sa Bilibid
Kasalukuyan pang nakapiit sa Caloocan City Jail si ex-Patrolman Jeffrey Perez, dating nakatalaga sa Caloocan City Police Station na nahatulan na makulong ng hanggang 40 taon o reclusion perpetua, ayon kay NCRPO director P/Brig. General Jonnel Estomo.
STAR/File

MANILA, Philippines — Tiniyak kahapon ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na hinihintay na lamang ang ilalabas na kautusan ng korte para mailipat na ng New Bilibid Prison (NBP) ang dating pulis na nahatulan kaugnay sa pagkamatay ng mga menor-de-edad na sina Carl Arnaiz at Reynaldo “Kulot” de Guzman.

Kasalukuyan pang nakapiit sa Caloocan City Jail si ex-Patrolman Jeffrey Perez, dating nakatalaga sa Caloocan City Police Station na nahatulan na makulong ng hanggang 40 taon o reclusion perpetua, ayon kay NCRPO director P/Brig. General Jonnel Estomo.

Ayon kay Estomo, hindi kinukunsinti ng NCRPO at PNP ang anumang uri ng pag-abuso at paggawa ng krimen na tulad ng nagawa ni Perez.

Ayon sa NCRPO, natanggal na sa serbisyo si Perez, epektibo noong Hulyo 2018 matapos masangkot sa pagkamatay ng 19-anyos na si Arnaiz, dating estudyante ng University of the Philippines (UP) at ang 14-anyos na si De Guzman.

Ang kapwa akusado na si dating Patrolman Ricky Arquilita ay namatay noong 2019 habang nakapiit.

Sa desisyon ni Caloocan City Regional Trial Court (RTC) Branch 122 Judge Rodrigo Pascual na inilabas ng Public Attorney’s Office (PAO) noong Miyerkules, “guilty beyond reasonable doubt” si Perez sa paglabag sa Anti-Torture Act of 2009 (Republic Act 9745) para sa mga kaso nina Arnaiz at De Guzman, planting of evidence sa ilalim ng Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2022 (RA 9165) at Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act (RA 10591) para sa kaso ni Arnaiz.

Taong 2017 nang mawala ang dalawang tinedyer sa Cainta, Rizal at kalaunan ay naiulat na napatay nang manlaban umano sa mga pulis sa gitna ng panghoholdap sa isang taxi driver noong Agosto 17, 2017, nakuhanan pa umano ng marijuana, shabu at baril. Makalipas ang 11 araw ay saka lamang natagpuan ng mga kaanak na nakalagak ang bangkay sa isang punerarya.

Samantala, ang bangkay ni De Guzman ay natagpuan sa isang creek noong Setyembre 5, 2017 sa Gapan, Nueva Ecija na nababalutan ang ulo ng packaging tape habang puno ng mga galos at may 30 saksak sa katawan.

vuukle comment

NBP

POLICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with