^

Metro

Armadong grupo umatake sa Taguig: 1 patay, 2 sugatan

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Armadong grupo umatake sa Taguig: 1 patay, 2 sugatan
Kinilala ang nasawi na si Ignacio Gregorio at sugatan naman sina Jimmy Osorio, 53-anyos, at Armando Buenaventura Jr., alyas “Boy”.
STAR/File

8 suspek arestado sa pursuit ops

Bulagta ang 55-anyos na lalaki habang sugatan ang dalawa pa nang umatake at mamaril ang isang grupo ng kalalakihan sa Barangay New Lower Bicutan, Taguig City, iniulat kahapon.

Kinilala ang nasawi na si Ignacio Gregorio at sugatan naman sina Jimmy Osorio, 53-anyos, at Armando Buenaventura Jr., alyas “Boy”.

Sa naitalang ulat ng Taguig Police, dakong alas-2:47 ng hapon nitong Miyerkules nang maganap ang pamamaril sa No. 62G MLQ St., New Lower Bicutan, kung saan dalawa sa mga suspek na pawang nakasuot ng green Grab uniform ay nakitang  tumatakas dala ang ginamit na mga baril.

Sa isinagawang follow-up operation ng Taguig City Police Sub-Station 9, Station Intelligence Section, Special Weapons and Tactics (SWAT) at Mobile Patrol Unit (MPU), nadakip ang isa sa suspek na kinilalang si Cyruz Garcia, 25 anyos, dakong alas-11:00 ng gabi ng Miyerkules, sa C6 Service Road, Ca­pistrano Extension, Brgy. Hagonoy, Taguig City.

Inaresto rin ang mga kasamahan ni Garcia na sina Marvin Concepcion, 33, ng transportation unit ng Taguig City Hall;  Jerry Damalerio, 47; Jose Dumandan, 57; Ralph Peter John Agullo, 19, estudyante; Kyle Ferdinand Quenery, 28; Mikeco Rivera, 28; at Jessica Domingo, 30.

Ito’y matapos makuhanan si Garcia ng isang silver 9mm pistol na may 4 na bala, 5 plastic sachet ng hinihinalang shabu na nasa 7 gramo katumbas ng P47,600.00, mga drug paraphernalia, 2-sling bag, 2-hand grenade, isang safety helmet, isang motorsiklo, at narekober din ang isang  green Grab long sleeve shirt at blue na pantalon.

Ipaghaharap ng reklamong paglabag sa Republic Act 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act), R.A. 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) at murder si Garcia habang si Concepcion ay paglabag sa R.A. 9156  kaugnay sa nakumpiskang dalawang granada, habang ang iba pang nabanggit na mga suspek ay kakasuhan naman ng R.A. 9165.

vuukle comment

GUN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with