^

Metro

Lolong rider, dedo sa armored van!

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Lolong rider, dedo sa armored van!
Idineklarang wala nang buhay dakong alas-9 ng gabi sa Jose Reyes Memorial Medical Center ang 64-anyos na si Pedro Tenerife, may-asawa at nakatira sa No. 453R Palmera St., Sampaloc, Manila.
STAR/File

Umiwas sa lubak-lubak na Lagusnilad

MANILA, Philippines — Patay ang lolo na nakamotorsiklo makaraang masagasaan ng isang armored van nang magkasagian habang binabagtas ang lubak-lubak na kalsada sa Lagusnilad underpass sa Ermita, Maynila kamakalawa.

Idineklarang wala nang buhay dakong alas-9 ng gabi sa Jose Reyes Memorial Medical Center ang 64-anyos na si Pedro Tenerife, may-asawa at nakatira sa No. 453R Palmera St., Sampaloc, Manila.

Hawak naman ng Manila Police District-Traffic Enforcement Unit ang nakasagasang tsuper ng armored van na si Ericson Oliver, 45, nakatira sa No. 17B 2nd Avenue, Brgy. North Signal, Taguig City. Nahaharap siya ngayon sa kasong reckless imprudence resulting in homicide.

Sa ulat ng MDTEU, naganap ang aksidente dakong alas-4:55 ng hapon sa southbound lane ng Padre Burgos Avenue sa Lagusnilad underpass sa tapat ng Manila City Hall.

Parehong binabagtas ng armored van (UQC 575) at Mio type scooter ang kalsada patungo ng Pasay City nang masagi ng unahang kanang bahagi ng van ang scooter kung saan sakay ang biktima dahil sa kaiiwas sa malalalim na lubak.

Dahil dito, sumemplang ang biktima, napailalim at nasagasaan pa ng van.

Nabatid na matagal nang inirereklamo ng mga motorista ang matinding lubak sa Lagusnilad underpass na dumaan na sa maraming alkalde ng Maynila na hindi naisasaayos.

vuukle comment

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with