^

Metro

Pulis bawal mamasko - PNP

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Bawal mamasko ang mga pulis.

Ito ang inihayag ni Philippine National Police Chief Rodolfo Azurin Jr., gayundin ang pagtanggap ng regalo ngayong Kapaskuhan.

“While we understand that some want to reciprocate our deeds, I said let’s be strict this time. We do not ask because we all know that we are all having a hard time making ends meet.” ani Azurin.

Ani Azurin, maraming negosyo ang ngayon pa lamang bumabangon matapos ang hagupit ng pandemya. Aniya, masaya ang PNP na nakapagsilbi sa publiko.

Babala niya mahaharap sa mabigat na pagdidisiplina ang mga lalabag, kabilang na ang pagharap sa kasong administratibo at ang mas mabigat na kasong paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act.

Umapela rin Azurin sa publiko na iwasan ang pagbibigay ng anumang regalo o bagay sa mga alagad ng batas kahit ito ay bilang pasasalamat lamang.

RODOLFO AZURIN JR.

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with