^

Metro

Traslacion, kanselado pa rin sa 2023

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Traslacion, kanselado pa rin sa 2023
Devotees maintain a bit of social distancing as they orderly form lines outside the Minor Basilica of the Black Nazarene in Quiapo, Manila (April 1, 2022) to attend the first Friday mass for the month of April.
Miguel De Guzman

MANILA, Philippines — Suspendido pa rin ang tradisyunal na Traslacion ng itim na Nazareno sa darating na Enero 2023 dahil sa hindi pa rin nagwawakas ang banta ng COVID-19 sa bansa.

Sa desisyon ng mga opisyal ng simbahan ng Quiapo, bukod sa banta ng virus lalo na at nagsusulputan ang mga bagong subvariants, mahigpit din nilang ikinukunsidera ang kalusugan at kaligtasan ng mga nakatatanda at mga indibidwal na may comorbidities na mas higit na nanganganib sa inaasahang matinding siksikan.

Ito na ang ikatlong taon na hindi masisilayan ang Traslacion mula nang unang masuspinde ito noong pumutok ang pandemya.

Tiniyak naman ni Quiapo Church Attached Priest Fr. Earl Allyson Valdez na lahat ng ibang aktibidad ng Itim na Nazareno ay matutuloy kabilang ang “Pahalik” sa Quirino Grandstand.

“Bagama’t walang tra­dis­yunal na prusisyon, ay ang lahat ng ating naka­gawiang aktibidades na may kinalaman sa Kapis­tahan ng Itim na Nazareno ay matutuloy po,” pagtitiyak ni Valdez.

Magbibigay rin ng kada oras na misa sa Quiapo church mula alas-12 ng hatinggabi ng Enero 9, na pangungunahan mismo ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula. Mayroon ding “hourly mass” sa iba’t ibang simbahan sa Metro Manila at mga lalawigan sa Luzon para sa naturang selebrasyon.

“Ang aming layunin ay kung hindi makapupunta para sa Traslacion, ay ang Nazareno na mismo ang tutungo sa kani-kanilang lugar at simbahan,” dagdag pa ni Valdez, na nagpaalala na magsuot ng face mask sa loob ng mga simbahan.

TRASLACION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with