^

Metro

Posibleng gunman sa Percy Lapid slay, tukoy na

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Posibleng gunman sa Percy Lapid slay, tukoy na
Sa isang press conference sa NCRPO, sinabi ng Special Investigation Task Group (SITG) Percy Lapid na ang lalaki sa larawan ang tinutukoy na ‘person of interest’ na kanilang tinutunton.
Edd Gumban

Reward umakyat na sa P1.5 milyon

MANILA, Philippines — Naglabas na kahapon ang National Ca­pital Region Police Office (NCRPO) ng larawan ng isa sa dalawang gunmen na sinasabing sangkot sa pagpaslang sa brodkaster na si Percy Lapid.

Sa isang press conference sa NCRPO, sinabi ng Special Investigation Task Group (SITG) Percy Lapid na ang lalaki sa larawan ang tinutukoy na ‘person of interest’ na kanilang tinutunton.

Kinumpirma ng SITG ang profile ng ‘person of interest’ matapos suriin ang CCTV footages sa mga ruta ni Lapid bago mangyari ang insidente at dinaanan ng mga suspek.

Tumaas na rin sa P1.5 milyon ang pabu­yang ipagkakaloob sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon para madakip ang mga salarin.

Upang maiwasan ang mga katulad na kaganapan sa hinaharap, inatasan ni NCRPO Acting Director Police Brigadier General Jonnel Estomo ang lahat ng District Directors at Chiefs of Police ng limang police districts ng NCRPO na simulan ang isang dialogue sa lahat ng mga mamamahayag, broadcasters at media practitioners sa kani-kanilang mga lugar upang matukoy ang mga napipintong pagbabanta kung mayroon at tugunan ang kanilang mga concerns sa seguridad.

“We acknowledge the risks involved in the job of our media friends, hence we are duty bound to protect them,”ani Estomo.

Alinsunod na rin ito sa naging pahayag ni Pangulong Ferdinand R Marcos Jr., na matiyak ang kaligtasan at seguridad ng lahat ng media practitioners sa bansa at ang parehong direktiba mula kay PNP Chief, P/General Rodolfo Azurin, Jr.

Pinahihigpitan din ni Estomo ang checkpoints at Oplan Sita sa mga motorsiklo at sasakyang walang plaka, tulad ng ginamit sa pananambang kay Lapid, at imbestigahan ang mga driver at rider at i-impound ang mga sasakyang sangkot.

PERCY LAPID

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with