^

Metro

TODA sa Valenzuela, binigyan ng ayuda

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
TODA sa Valenzuela, binigyan ng ayuda
Ayon kay Valenzuela Mayor Wes Gatchalian, ang fuel subsidy program ay bahagi ng kanyang agenda sa kanyang unang 100 araw bilang bagong city mayor. Bagama’t hindi kalakihan ang subsidy, umaasa si Gatchalian na makatutulong ito sa mga tricycle driver na tinamaan ng pandemya.
Walter Bollozos, file

MANILA, Philippines — Umaabot sa P3.7 milyon ang one-time fuel subsidy vouchers ang ipinamahagi ng pamahalaang lungsod ng Valenzuela sa mga lehitimong tricycle driver at operators na miyembro ng TODA sa lungsod.

Ayon kay Valenzuela Mayor Wes Gatchalian, ang fuel subsidy program ay bahagi ng kanyang agenda sa kanyang unang 100 araw bilang bagong city mayor. Bagama’t hindi kalakihan ang subsidy, umaasa si Gatchalian na makatutulong ito sa mga tricycle driver na tinamaan ng pandemya.

Inaprubahan ng Valenzuela City Council ang Ordinance No. 1043, Series of 2022 on September 5, 2022 na pinamagatang “An Ordinance Providing for a One Time Fuel Subsidy to All Valenzuela City Franchised For-Hire Tricycles on Account of the Recent Unprecedented Increase of Fuel Prices, Providing for Funds Thereof and for Other Purposes, Subject to Existing Auditing and Accounting Rules and Regulation.”

Nakasaad na pinahihintulutan ang pagpapalabas ng P3,712,000 mula sa badyet ng lungsod upang maibsan ang krisis sa presyo ng gasolina sa bansa at naglalayong bigyan ng fuel subsidy voucher na nagkakahalaga ng 500 sa kabuuang 41 Tricycle Operators and Driver’s Association (TODA) na binubuo ng 7,424 na tricycle for-hire sa lungsod, para tulungan sila sa gitna ng pagtaas ng presyo ng gasolina dahil sa hindi inaasahang dahilan.

Ang pamamahagi ng fuel subsidy voucher program ay ipinapatupad sa pamamagitan ng City External Service Office – Public Order Safety Group’s Transportation Office ni Mr. Jay Valen­zuela.

vuukle comment

TODA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with