^

Metro

ML player, timbog sa sexual exploitation ng 14-anyos na estudyante

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
ML player, timbog sa sexual exploitation ng 14-anyos na estudyante
Kinilala ng PNP-ACG ang suspek na si Estelito Piolino Gibaga Jr. na may in-game name (IGN) na “Steel Gibaga.”
STAR/File

MANILA, Philippines — Nadakip ng mga tauhan ng Philippine National Police – Anti Cybercrime Group (PNP-ACG) ang 35-anyos na Mobile Legend player matapos ireklamo ng sexual exploitation ng ina ng 14-anyos na kanyang nakilala sa nasabing mobile game.

Kinilala ng PNP-ACG ang suspek na si Estelito Piolino Gibaga Jr. na may in-game name (IGN) na “Steel Gibaga.”

Dinakip si Gibaga sa loob ng isang motel sa West Point St., E. Rodriguez, Quezon City kamakalawa.

Sa report na isinumite ni P/Lt. Michael Bernardo, officer-in-charge ng Quezon City District Anti-Cybercrime Team (QCDACT), nagkakilala si Gibaga at ang biktima na Grade 9 student noong Agosto sa isang public chat ng ML.

Nagpatuloy ang usapan ng suspek at biktima hanggang sa mauwi sa umano’y “romantic relationship.”

Dito na rin nagsi­mula ang pagpapadala ng mga malalaswang larawan ng suspek sa biktima at inutusan ang biktima na magpadala rin ng kanyang mga hubad na larawan.

Nadiskubre naman ng ina ng biktima ang relasyon at inamin naman ng kanyang anak ang mga pinagagawa ng suspek.

Bunsod nito, isina­gawa ang entrapment operation nang magkasundo ang suspek at biktima na magkita sa isang establisimento sa Cubao.

Nang papasok sa isang hotel, dito na ina­resto ang suspek.

Panawagan naman ni Police Brig. Gen. Joel Doria, director ng PNP-ACG, bantayan ang kilos ng mga anak, gayundin ang mga nakakausap sa cellphone upang hindi mabiktima ng sexual predators.

Nahaharap si Gibaga sa paglabag sa Republic Act 7610 (Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act), RA 9775 (Anti-Child Pornography Act of 2009), at Article 286 (Grave Coercion) of Revised Penal Code all in relation to RA 10175 (Cybercrime Prevention Act of 2012).

SEXUAL EXPLOITATION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with