^

Metro

Nambulabog ng natutulog, tinubo patay

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Matapos mambulabog nang natutulog, patay ang lasing na lalaki nang paluin sa ulo ng isang obrero na naalimpungatan sa pagwawala nito kahapon ng mada­ling araw sa Intramuros, Maynila.

Nakilala ang nasawi na si Mero Molidias, 37, binata, ng Sta. Cruz, Maynila. Sumuko naman sa pulisya ang suspek na si Magellan Barotea, 39, stay-in worker sa ginagawang Binondo Bridge sa Plaza Mexico, Magallanes, Intramuros.

Iginiit ng suspek na ipinagtanggol lamang niya ang kaniyang sarili.

Sa ulat, dakong alas-12:10 ng madaling araw nang magwala at maghamon ng away sa may Plaza Mexico ang biktima habang lango umano sa alak.

Dito naalimpungatan sa pagtulog si Barotea na bumangon at sinaway si Molidias.

Una ay nagkasuntukan ang dalawa hanggang sa makadampot ng tubo ang suspek at pinagpapalo sa ulo ang biktima hanggang sa mawalan ng malay.

Nasa kustodiya nga­yon ng MPD-Homicide Section ang suspek na nakatakdang sampahan ng kasong Homicide sa Manila City Prosecutor’s Office.

PATAY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with