^

Metro

SSS RACE Team, ginalugad 32 employers

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ginalugad ng mga elemento ng Social Security System (SSS) ang 32 employers sa Quezon City, Maynila at Pasig nang ilunsad nito ang ‘Run After Contribution Evaders’ (RACE) program sa naturang mga lugar.

Sa Quezon City, may 12 employers na sakop ng SSS Novaliches ang pinuntahan ng RACE team dahil sa non-remittance o may delinguency contribution na P2.59 mil­yon.

Umaabot naman sa 157 empleyado ang hindi naipagbayad ng kanilang employer ng SSS contribution.

Sa Maynila, 10 em­ployers naman na sakop ng SSS Tondo branch ang ginalugad ng SSS Race Team.

Siyam na emplo­yers dito ay may non-remittance o may P7.79 milyon delinquencies at may 126 empleyado ang hindi ipinagbayad ng SSS contribution.

Isang employer naman ay nahuling hindi ipinarehistro sa SSS ang tatlong empleyado.

Sa Pasig naman ay 10 employers na sakop ng SSS Mabini Pasig branch ang napuntahan ng SSS Race team dahil din sa non-remittance ng kontribusyon ng 479 empleyado.

Umaabot naman sa P13.78 milyon ang delinquency o ang halaga ng hindi ibinabayad sa SSS para sa mga empleyado.

Ang 32 employers ay binigyan ng SSS ng 15 araw makaraang matanggap ang dokumento ng katunayan ng delinquencies para magtungo sa tanggapan at ayusin ang problema at tuloy hindi makasuhan sa korte kaugnay ng paglabag sa SSS Law

SSS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with