^

Metro

P500K pabuya alok ni Abalos sa Percy Lapid slay

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
P500K pabuya alok ni Abalos sa Percy Lapid slay
Si Department of Interior and Local Government (DILG) Sec. Benhur Abalos sa pagdalaw sa burol ng nasawing broadcaster na si Percy Lapid kung saan nag-alok siya ng P500,000 reward sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon sa ikaaaresto ng mga suspect sa pagpaslang sa nabanggit na mediaman.
Miguel De Guzman

MANILA, Philippines — Nag-alok si Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin ‘Benhur’ Abalos Jr. ng P500,000 pabuya para sa sinumang ma­kapagbibigay ng impormasyon na magreresulta sa pagkakaaresto sa mga taong nasa likod ng pagpatay sa beteranong radio commentator na si Percival ‘Percy Lapid’ Mabasa.

Ginawa ito ni Abalos nang dumalaw sa burol ni Lapid sa Manila Memorial Park sa Parañaque City nitong Miyerkules ng gabi.

Nilinaw naman ni Abalos na ang naturang cash reward ay galing sa sarili niyang bulsa at hindi magmumula sa pondo ng DILG.

“I am offering P500,000 from my own money, for any information na makakatulong pa sa imbestigasyon,” ayon kay Abalos.

Tiniyak din niya sa pamilya ni Lapid na ga­gawin ng pamahalaan ang lahat upang matukoy at mapanagot sa batas ang mga taong may kagagawan ng krimen.

Masusi na aniyang nagsasagawa ng imbestigasyon ang Phi­lippine National Police (PNP) at lahat ng anggulo sa kaso ay kanilang binubusisi.

Sa inisyal na pagsisiyasat, lumilitaw na talagang planado ang pagpatay at malaki ang hinala ng mga awtoridad na may kinalaman ito sa trabaho ni Lapid.

Matatandaang na­ga­nap ang krimen dakong alas-8:30 ng gabi noong Lunes sa gate ng BF Resort, na matatagpuan sa Aria St., Brgy. Talon 2, Las Piñas City.

Samantala, labis namang nagpapasalamat ang pamilya ng biktima sa ginawa ni Abalos.

“Maganda rin ‘yung magbibigay sila ng pabuya, because that will help to hasten the processes of investigation,” ani Roy Mabasa, kapatid ni Lapid.

DILG

PERCY LAPID

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with