^

Metro

Aplikasyon ng special permit sa PUVs para sa Undas, binuksan na ng LTFRB

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Aplikasyon ng special permit sa PUVs para sa Undas, binuksan na ng LTFRB
Colorful traditional jeepneys along with their modernized versions wait for passengers at the corner of EDSA and Aurora Boulevard in Quezon City on Tuesday(August 30, 2022).
Miguel De Guzman

MANILA, Philippines — Binuksan na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board  (LTFRB) ang aplikasyon ng Special Permit ng mga Public Utility Vehicles (PUVs) para sa Undas.

Ito’y bilang paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mga pasaherong uuwi sa kani-kanilang probinsya para gunitain ang kanilang mga namayapang mahal sa buhay.

Kaugnay nito, hinikayat ng LTFRB ang mga PUV operators na mag-apply nang maaga upang makuha agad ang kanilang Special Permit at makapaghanda nang maaga para sa kanilang biyahe sa Undas.

Kinakailangan lang na dalhin ng mga ito ang mga documentary requirements gaya ng OR/CR ng mga sa­sakyan, Personal Passenger Insurance Policy at Franchise Verification

Nagpaalala ang ahensya sa mga operator at driver na sumunod sa mga alituntunin at polisiya ng ahensya sa pagpasada.

Nagbanta ang LTFRB na papatawan ng kaukulang parusa base sa mga kundisyon ng kanilang Certificate of Public Convenience (CPC), Special Permit at ng Joint Administrative Order ang sinumang mahuling hindi susunod sa alituntunin ng ahensya.

vuukle comment

LTFRB

PUVS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with