^

Metro

Rider binoga, patay sa kapwa rider

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Rider binoga, patay sa kapwa rider
Kinilala ni Las Piñas City Police Station chief, P/Colonel Jaime Santos ang nasawi na si Noel De Guzman, na sinasabing may existing warrant of arrest dahil sa pagkakasangkot sa droga.
STAR/File

MANILA, Philippines — Patay ang isang lalaki na binaril ng kapwa niya rider sa gitna ng kanilang pag-uusap sa Brgy. Zapote, Las Piñas City, Miyerkules ng hapon.

Kinilala ni Las Piñas City Police Station chief, P/Colonel Jaime Santos ang nasawi na si Noel De Guzman, na sinasabing may existing warrant of arrest dahil sa pagkakasangkot sa droga.

Ani Col. Santos, nagsasagawa na sila ng follow-up operation para sa pag-aresto sa itinuturong suspek na kinilalang si Nicanor Montalban, alyas ‘Kulot’, residente umano ng Cavite na kaibigan at dating kapitbahay ng biktima.

Dakong ala-1:10 ng hapon kamakalawa nang maganap ang krimen sa F. Santos St., Brgy. Zapote, kung saan ang suspek na nakasakay sa itim na motorsiklong walang plaka, nakasuot ng helmet at blue na jacket na may tatak na “Everlast”.

Nakunan din ng closed circuit television (CCTV) ang insidente ng krimen.

Narekober ng isang sachet ng shabu sa lugar na pinangyarihan ng krimen.

Ani Col. Santos na­katakda na silang maghain ng kaso laban sa suspek dahil may witness at kilala na ang suspek.

BARIL

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with