^

Metro

2 nahagip ng CCTV, tinututukan ng PNP sa Percy Lapid slay

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
2 nahagip ng CCTV, tinututukan ng PNP sa Percy Lapid slay
Screengrab shows radio broadcaster Percy Lapid in one of his last shows aired on YouTube.
Philstar.com Screengrab / LAPID FIRE ni Percy Lapid on YouTube

MANILA, Philippines — Nakatutok ngayon ang pulisya sa pagtukoy sa dalawang ‘suspek’ na nahagip ng camera at posibleng may kaugnayan sa pagpaslang sa broadcaster na si Percy Lapid sa Las Piñas City nitong Lunes ng gabi.

“May dalawa na possible perpetrators na nahagip ng CCTV. Effort is being exerted to identify them,” ayon kay Special Investigation Task Force spokesperson, PCol Restituto Arcangel.

Bukod sa dalawang video footage na sinusuri nila ngayon para makilala ang mga salarin, may 10 pang CCTV footage rin ang kanilang nakalap at nakatakda ring pag-aralan.

Hindi pa naman sila nakakakuha ng pahayag sa naulilang pamilya ni Lapid o Percival Mabasa sa totoong buhay, dahil sa nagluluksa pa ang mga ito.

Sinabi naman ni PLtCol Dexter Versola, NCRPO spokesperson, na nakakuha rin sila ng video footage mula sa dashcam ng itim na Toyota Innova mismo ni Lapid.

May dalawang video cam umano na nakakabit sa sasakyan niya, isa sa harapan at isa sa likuran.

Kanila umano itong isasailalim sa ‘enhancement’ upang maging mas malinaw ang kuha nito at makakuha ng mga importanteng impormasyon.

Ito umano ang kauna-unahang kaso ng pamamaslang sa isang miyembro ng media sa NCR sa loob ng mahabang panahon.

CCTV

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with