^

Metro

Bebot, itinumba ng tandem

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Bebot, itinumba ng tandem
Dead-on-arrival sa Novaliches District Hospital ang biktimang si Cindy Yutuc, 38, attendant sa isang car wash shop sa Brgy. Kaligayahan, QC dahil sa mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Patay ang isang babae  nang pagbabarilin ng mga armadong riding-in- tandem  habang naglilinis ng sasakyan sa isang car wash shop sa Quezon City, kahapon.

Dead-on-arrival sa Novaliches District Hospital ang biktimang si Cindy Yutuc, 38, attendant sa isang car wash shop sa Brgy. Kaligayahan, QC dahil sa mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Blangko pa ang pulisya sa pagkakakilanlan sa mga salarin na mabilis na tumakas matapos ang krimen.

Batay sa ulat ng ­Quezon City Police District (QCPD)-Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU), dakong ala-1:30 ng madaling araw nang maganap ang krimen sa car wash shop na pinagtatrabahuhan ng biktima, sa Zabarte Road, Brgy. Kaligayahan.

Kasalukuyan umanong nililinis ni Yutuc at ng isang pang attendant ang isang sasakyan nang bigla na lang dumating ang ri­ding-in-tandem at agad na pinagbabaril ang biktima.

Nang matiyak na napuruhan ang target ay mabilis nang tumakas ang mga suspek, bitbit ang ‘di pa batid na kalibre ng baril, na ginamit sa pagpatay.

Agad ring isinugod ng mga rescuers ang biktima sa pagamutan ngunit hindi na ito umabot pang buhay.

Masusi pang nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga awtoridad para sa agarang ikareresolba ng krimen.

CIDU

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with