^

Metro

2 lalaking pipi at bingi, kalaboso sa holdap

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
2 lalaking pipi at bingi, kalaboso sa holdap
Nakilala ang mga suspect na sina Adrian Buanviaje, 29, ng Brgy. Payatas, Quezon City at Cristopher Balmores, 35, na residente naman ng Bagong Silang, Camarin, Caloocan City.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Dalawang lalaking kapwa pipi at bingi, ang inaresto ng pulisya  matapos umanong nakawin ang cellphone ng isang construction worker sa Quezon City, kahapon ng madaling araw.

Nakilala ang mga suspect na sina Adrian Buanviaje, 29, ng Brgy. Payatas, Quezon City at Cristopher Balmores, 35, na residente naman ng Bagong Silang, Camarin, Caloocan City.

Batay sa ulat ng ­Quezon City Police District (QCPD)-Batasan Police Station, nabatid na dakong alas-3:00 ng madaling araw nang maaresto ang mga suspek sa Brgy. Commonwealth, QC.

Kuwento ng biktimang tumanggi nang magpakilala, naglalakad siya sa naturang lugar nang bigla na lang siyang harangin ng mga suspek, na sakay ng isang motorsiklo.

Tinutukan ng mga suspek ng patalim ang biktima at saka inagaw ang cellhone nito at saka mabilis na tumakas.

Kaagad namang nagsumbong ang biktima sa mga barangay tanod at mga pulis at naaresto ang mga suspek na hindi pa nakakaalis matapos na hindi umandar ang dalang motorsiklo ng mga ito.

Kinailangan pa umano ng mga otoridad na hu­mingi ng tulong sa isang sign language interpreter, upang maipaabot sa mga suspek ang kanilang mga karapatan kaugnay nang pagkakaaresto sa kanila.

Ang mga suspek ay nakapiit na at nakatakdang sampahan ng kasong robbery holdup sa piskalya.

QCPD

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with